10 days before Christmas. Grabe na ang lamig sa umaga. Sarap tuloy matulog. Buti na lang, bumalik na sa dating siste ang body clock, kundi, yari na naman ako sa boss ko, late na naman ako :p. This morning, ginising ako ng celphone ko (as usual, cellphone ang alarm clock) kasama ng mga lamok na parang nasa drink-all-you-can (eh sa masarap daw uminom ngaun kasi malamig). Antok pa ako nung bumaba ako, tapos punta sa kitchen. Borlogs pa si Mommy sa loob ng kulambo (yes, may kulambo sila ni Ate JV). Nagsalang ako ng tubog for my tea, tapos punta ng CR. Nung kumulo na ang tubig, pinasok ko na, made my tea, at pumwesto na tapat ng tv para manood ng Umagang Kay Ganda. "Sa Ulo ng mga Balita: Hubert Webb, maaaring desisyunan ng SC para makalaya; 50 Shell stations sa kamaynilaan, nagsara na dahil na kawalan ng gasolina; Mga kapamilya, nagwagi sa FAMAS; mga robots, nagtanghal sa isang theater play sa Poland."
December 14 ngaun. Birthday ng dad ko. Too bad, hindi na ako makakadaan sa Mt Carmel kasi gabi na ako makakauwi. Will be meeting a client later after work to get the lace accent for her invitation box. After that, need to go home to start wrapping, since hindi I dont have much time anymore.
Around this time next year, I wonder how I would be in the morning, at sa buong araw, with just a few days before (or after?) the Day. c",)
No comments:
Post a Comment